May mga pagkakataon na hindi maiiwasan. Subalit may mga pagkakataon din na kayang iwasan. Ang mahalaga ay marunong tayong maniwala sa mga pagkakataon na dumarating sa buhay natin at alam natin na kaya nating mapagtagumpayan. Lahat na yata ng hirap ay dinadanas ng bawat isa sa atin. Naniniwala ako na kahit na matagumpay sa buhay ay meron parin kulang , kahinaan, kalungkutan at pagkabagabag. Kaya nga tama ang kasabihan na walang perfecto sa buhay. Pero may mga sandali na makakamit ng isang tao ang katahimikan, kaligayahan, tuwa at mapayapa..eto ay malalim na pakikipag-ugnayan sa may lumikha. Ang panalangin at paniniwala sa Diyos ang tanging ugnayan na mararamdaman mo ang kaligayahan at kasiyahang di maipapaliwanag ng simpleng halimbawa. Kaya kung may dumating man na pagsubok sa buhay ay hindi dapat talikuran. Manalig lamang tayo at pagkakalooban tayo ng kaliwanagan. Minsan takot lamang tayo na harapin ang katotohanan. May kasabihan na ang katotohanan ay syang magpapalaya sa tao.
May mga taong sagad ang paniniwala sa kanilang kapangyarihan...pero ang kapangyarihan minana sa lupa na hindi ginamit ng may katapatan at pag-ibig sa kapwa ay di nagtatagal. Kaya kung ang tao ay sinubok na gawa ng mga taong ganid sa kapangyarihan at ginagamit sa paniniil para maipakita sa kapwa nila na sila lamang ang dapat manaig...iyan ay pagsubok na hindi dapat talikuran at huwag katakutan. Laging manalig na kailan man ang masama ay di nagtatagumpay...DAPAT NATING TANDAAN...pagsubok lang iyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento