Tungkol sa Akin

Aking larawan
VISION : The MAPEH department shall produce students who are academically equipped in Music, Arts, Physical Education, Health and globally competitive.

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

AWIT AT SAYAW ... NOON AT NGAYON

concert teaser :)

    Ang departamento ng MAPEH ay naglunsad ng isang pangkulturang sayaw at awit na pinamagatan na "Awit at Sayaw ... Noon at Ngayon...". Ang nasabing cultural show ay dinagsa ng libu-libong mag-aaral ng Bagong Nayon II National Highschool.
    Ang mga nagsipaganap sa sayaw ay mga kasapi ng BNII DANCE TROUPE sa ilalim ng pangangasiwa ni Bb. Roselyn Malabanan at ang mga mang-aawit naman sumailalim sa pagsasanay ni G. Glen Gomez.
  Naging matagumpay ang proyektong ito dahil sa pagtutulong-tulong ng mga MAPEH teachers sa pangunguna ng kanilang chairman na si G. Arnel Buena na nasa patnubay ng mabait at masipag na punog guro ng BNIINHS na si G. Rommel Beltran. 
   Dahil sa pagtangkilik ng mga mag-aaral, ang MAPEH department ay nakabili ng mga kagamitan sa pagsayaw at Rondalla. Sa ngayon ang mga istudyante na kasapi sa dance troupe ay nagsasanay para sa pang teatrong palabas na gaganapin sa buwan ng disyembre at ang Rondalla ay nagkakaroon ng pagsasanay tuwing sabado.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento